Welcome to rays-damn.blogspot.com
WELCOME my dear readers. hope you'll enjoy staying here. as much as enjoying reading my story.
To navigate, click on the x at the top.
Chapter three
-Shocking Revelation
“ANOOOOO?!??!?!?!??!?!?!?!??!?!” sigaw ng Rays.
“SSSSSHHHHH!!!!” ang ingay nitong mga babaeng to!
“kelan pa?!” sigaw ulit nila.
“ano ba?! Diba sabi ko na tahimik lang kayo?!”
“KELAN PA?!” inulit nila ang tanong na hindi ko sinagot.
“nung new student pa ako dito. Naalala niyo ba nung may spider na so big sa may chair ko? Siya yung nagtanggal. Binigyan niya din ako ng slurpee nun. Tapos nilibre niya ako ng ice cream. Kahit na di siya masyadong kumakausap saakin. Kahit na hindi niya ako kinakausap ngayon.” Kwento ko.
“pero diba sabi mo di ka niya pinapansin?” tanong ni stacy.
“oo, pero nung nag third year lang tayo.. siya nga first love ko eh.” Okay. Nareveal ko din sakanila. Phew! Pinagpawisan ako nun ah!
“ahhh.. ganun pala ha! Well, let’s ask naman your loving mystery guy kung meron siyang HIDDEN FEELINGS SAYO!” nagyaya si yanie.
“ano?! Wag!!!” pinigilan ko siya.
“tara na nga. Tayo nalang ang naiwan dito sa dumb classroom na to.” Aya ko.
Nick’s POV
“pre, aminan na. may gusto ka ba kay baby rhie ko?” tanong ni dave saakin.
“oo nga pre. Sabihin mo na kasi. Wala namang magagalit eh!” isa pa tong mokong na to eh! Upakan ko kaya ito?
“pre, kung hindi mo kaya ako nalang ang magsasabi.” Sabi ni marc saakin.
Kay marc ko lang kasi sinabi kung sino ba talaga ang naging first love ko simula second year pa kami. At kahit itong kasabwat ko eh nangigigil na rin at gusto nang sabihin sakanila.
“wag na pre. Ako na ang magsasabi.” Sabi ko sakanya.
“so ano? Inlove ka ba kay baby rhie ko?” tanong ulit ni dave. Nakakairita ang pagsabi niya sa pangalan ni rhian! Bakit ba kasi may ‘baby rhie’’baby rhie’ effect pa tong nalalaaman?
“OO. Simula nung nakilala ko siya nainlove na ako sakanya.” Nagtinginan silang lahat saakin. Hindi ko alam kung ano ang reaction nila. Kung ito bang si dave eh magagalit, kung ito bang si marc eh magugulat, kung ito bang si alec eh matatawa. Pero ok lang dahil nasabi ko na din sakanila at malamang hindi na nila ako kukulitin pa.
“WHAAT?!?!” grabe tong si dave! Kung makasigaw eh parang babaeng nakakita ng ipis. Tsk
“bakit? Masama ba? Pero iba naman ang gusto ni rhian. Kaya hindi ko masabi ang totoo sakanya kasi baka…. Baka….”
“baka ano?” tanong ni alec.
“baka hindi na niya ako pansinin.” Tinapos ko ang hindi ko natapos na sentence. Epal kasi tong si alec. Bigla bigla nalang sisingit.
“tol ang corny mo! Hahahaha! Alam mo okay lang yan. Ganito. Tutulungan ka namin”
“hindi ka galit saakin dave? Hindi ba baby mo si rhie? Tutulungan mo pa ako.”
“tol, hindi no! bakit naman ako magagalit? Cute lang kasi si rhie para kasi siyang baby kaya tinawag ko siyang baby rhie. O ano? Selos ka no!? bwahahahha!” oh great. His evil laugh.
“hindi no! sinasabi ko sayo, iba ang gusto niya. At sino ba ako para magselos? Di naman niya ako boyfriend di din kami close.”
“eh paanong hindi kayo magiging close eh in the first place ikaw ang umiwas sakanya nung third year tayo!” tama ka nga naman marc.
“oo nga. Umiwas ako kasi iba naman ang gusto niya.”
“tol naman eh. Ang corny mo!” ako pa ang naging corny ah!
“so ganito pre, isesetup naming kayo. Dapat wag kang magpaka torpe ah!”
“ano?! Eh torpe nga ako eh!”
“basta kaya mo yan! Ganito……”
Blah blah blah. Okay. Ang ganda nga naman ng naisip ni dave. Iiwanan kami ng DAMN at RAYS I mean DAM at AYS bukas ng lunch ni rhian.. para daw makapagtapat na ako. Sabi pa, pag hindi daw nag work out ang plano eh itra-try daw sa may pavilion. Oh great. Bakit pa sa pavilion? Eh wala naman akong magagawa. Kaya nag agree nalang ako.
“sige, aalis na ako. 4 na oh. Tapos naman nang maglinis si alec at marc. Kaya uuwi na ako. Hoy! Wag niyong ipagkalat ang sinabi ko ah! maturingan pa kayong mga chismosa ay chismoso pala. Sige.” Nagpaalam na ako sakanila. Binigyan ko sila ng Hi-5 bago ako bumaba.
Nakita ko si manong bruce na nagaantay sa may puno ng mangga. Malapit sa gate. Nagtataka ako kung bakit dun siya nag park.
“o manong bruce! Sorry po natagalan po ako. May ginawa pa ho kasi ako eh.”
“okay lang yon sir. Oo nga pala. Kilala niyo ho ba yun? Yung babaeng may bag na panda?” tanong ni manong habang nakaturo siya sa isang babae. Si Rhian. Si rhian ng buhay ko. TOINKS! Ang corny mo talaga nick!
“opo. Bakit po?” tanong ko kay manong bruce.
“kanina pa kasi siya nandyan eh. Inaantay niya yung sundo niya. Kanina pa siyang mga three dyan. Magiisang oras na. mukhang hindi alam ng sundo niya na uwian na nila.”
“ganun po ba? Ahhm okay lang po ba na pasabayin natin siya?” pagkakataon nga naman! Yes!
“ahh. Okay lang naman saakin. Sayo kung okay lang ba?” binalik niya ang tanong saakin.
“syempre po. Sige po tatanungin ko siya.” Naman manong bruce! Ok lang naman saakin no!
Nilapitan ko si Rhian ‘ko’ na nasa labas ng gate. Kanina pa siya tingin ng tingin sa may wrist watch niya at sa may cellphone niya.
“ahm, Rhian, may sundo ka ba?” kaya mo to nick!
“ikaw pala yan nick! Ahm, wala nga eh. Wala si manong rick eh. May pinuntahang libing. Nagaantay nga ako ng masasakyan”. Ang bango pala ni rhian.
“ahh, ganun ba? Ahm. Gusto mo sabay ka nalang sakin? Kung okay lang sayo.” Damn it nick! Dapat walang ‘kung okay lang sayo’ naman!
“ahh. Oh sige. Thanks ah!” yeeesss! Pumayag si rhian!
(nasa sasakyan na.)
“ahm, nick, pwedeng magtanong?”
“ahh.. oo naman.” Ano kaya itatanong nito?
“ahm. Bakit…. Uhh.. bakit…. Ehhh… bakit mo ako iniwasan nung third year na tayo? Hindi mo na din ako kinakausap.” Nahalata din pala niya.
“ah.. sorry ah. hindi ko naman sinasadya. Ahm. Kung ok lang sayo. Let’s start over again.” Hah. Parang oo siya—
“ok! So friends?” sabi ni rhian habang iniabot ang kamay niya para kamayan ko.
“friends”. Nag shake hands kami ni rhian. Ang lambot ng kamay niya. Hayyy.. sana tumigil ang oras.
“sige dito na ako nick. Thanks ah. salamat po manong!”
“Ahm. Sige walang anuman. Ingat ka rhian.”
“rhie nalang.”
“ahh. Sige. Kita nalang tayo bukas. Wag kang papalate ha”.
“sige thanks! Kaw din!”
Nag wave siya saakin. Nag wave back din ako. Hay. Start nanaman ng buhay kong kasama si rhian I mean rhie pala.
“sir, gilpren niyo po ba?” tanong ni manong bruce.
Napatawa ako sa tanong ni manong bruce.
“ha? Hindi nu. Si manong talaga.”
“aahh. Kung hindi eh di may gusto ka sakanya!”
“aha. Manong naman.”
Nako manong, magdrive ka nalang dyan. Hay. Ang saya naman nitong araw na to. Nakahinga na din ako ng maluwag. Thank you Lord!.
Labels: shocking revelation
Chapter two
-pagbuo sa RAYS
“Siguro ano?” tanong saakin ni alec.
“RAYS?” sagot ko.
“great! That’s perfect!” agree naman tong si yanie.
“anong konekt?” kahit kelan talaga ang hina ng kokote ni alex. Tsk.
“gaga, R for Rhian, A for Alex, Y for Yanie, S for Stacy. Gets?” aba, tong si yanie gets kaagad. Haha. Lakas talaga ng brain nito!.
“oooohhh.” Speechless si alex.
“so sino naman ang magiging singer natin?” daming tanong nitong alex na to. Hmp!
“sino pa ba eh di si RHIAN!!!” sigaw ni stacy.
“what?! Lead guitar lang ako!? Bakit ako?!”
“hay nako. Sino pa ba ang may magandang boses dito? Eh diba ikaw lang naman?” nako yanie bakit ikaw hindi ba?
“uyyyyy!!!!” sigaw ni alex at alec.
“SOULMATE SILA!!! YIHEE!” hiyawan ulit nila alex at alec.
“ANO?!” sabay kaming nagsalita ni nick.
“YAN?! Hindi no!?” argh! Bakit ba lagi nalang kaming sabay nitong lalaking to?
“nako, sige, itago niyo pa. lalabas din yan!” naman stacy! Pati ba naman ikaw?!
“hay nako. Tara na nga. Malalate pa tayo.” Yun nalang ang nasabi ko.
Narinig ko yung ‘DAMN’ na banda na naguusap. Pero di ko pinahalata na nakikinig ako.
“Pre, may hidden feelings ka ba kay baby rhie ko?” naman dave! Sabi ko wag mo na akong tawaging baby rhie eh! Nakakairita!
“……..”
“hui pre! Ito laging wala sa sarili.” Confirmed ni alec
“ha?.. ha?... ano?...” agree ako kay alec.
“o tignan mo?! Sabi ko kung may hidden feelings ka ba kay baby rhie ko?” inulit ni dave ang tanong niya kay nick.
“wala no.” grabe, nagtitipid tong si nick.
“anong wala? Eh kakasabi mo -------” ano marc? Pagkalingon ko tinakpan pala ni nick ang bungaga ni marc. Supladito talaga tong nick na to!
“wala. Sige mauuna na ako.” Sabi ni nick. Nakita ko siyang dumaan sa harapan ko. Nagkatinginan kami. Mga five seconds lang siguro.
“okay class, don’t be late tomorrow. Bye now”
“bye mam!” sagot naming kay mam razon.
“hoy rhie! Bakit parang ang laki ng problema mo?” tanong saakin ni stacy.
“ah wala. Wala naman. Bakit mo natanong?”
“eh kasi kanina ka pa hindi kumikibo dyan. Akala naming eh napanisan ka na ng laway. Eewww!” nako stacy tumigil ka na ah.
“ah?! hindi no. ahm.. naaalala niyo pa ba yung sinabi ko sainyo kung sino yung mystery guy ko? Yung sinabi ko sainyo last year?”
“ahh oo. Bakit? Sasabihin mo na ba saamin? Oi Rays! Punta kayo dito!!! Sasabihin na ni rhie yung Mystery guy niya!” sigaw nitong si stacy.
“ha?! Wala akong sinabing sasabihin ko?!” pabulong kong sinabi sakanya.
“ano?! Saying lang ang voice ko rhie. Kaya sabihin mo na okay?! Tayong mga rays lang naman eh!” sabi ni yanie.
“oo nga rhie! Kundi kakainin kita rawwwrrrr!!!!” sabi ni alex.
“nako. Sige na nga. Pero secret lang ha. Ahmm.. ang Mystery guy ko….. ay si……”
Labels: pagbuo sa rays
Chapter One
-Thug of War.
Nakarating na rin ako sa school. Malayo pa ang room ko dito. Nasa fifth floor. Tinakbo ko nalang hanggang makaabot ako ng fifth floor, room 8, section IV. Nakita ko na wala pa ang teacher naming kasi nakatayo pa silang lahat at nagchichismisan sa mga katabi nila tungkol sa summer nila. Lagi naman eh. Nakita ko si Stacy at Alex na kinawayan ako. Lumapit sila saakin at binigyan ng isang mahigpit na hug.
“nakaabot ba ako? Andyan na ba teacher natin? Sorry kung late ako ah? May bago ba tayong classmate?” tanong ko habang hinahabol ko naman ang hinga ko.
“whoah rhie! Isa isa lang! baka atakihin ka niyan ng asthma mo.” sabi ni Alex habang kumukuha ng tubig para painumin ako. Ang thoughtful no! ahaha, himala. Bumait itong si alex.
“ok ka lang ba rhie? Hinihingal ka ah. Don’t tell us tinakbo mo ang buong first floor up to fifth floor para lang hindi ka ma-late? Haha!” nako, tumawa pa.
“oo, eh ano? Yung tanong ko” kainis naman eh, di lang man sinagot ang tanong ko?
“first, oo nakaabot ka. Second, wala pa nagkaroon ng emergency meeting ewan ko kung bakit may emergency meeting, siguro para sa election ng student body. Third, ok lang kung late ka dahil wala pa namang teacher. Fourth, oo meron. You see that girl sa corner with too many boys na nakapaligid sakanya? She’s the new one. Her name is Gretta? I don’t remember her stupid name.” Sabi ni Stacy habang nakaturo ang hintuturo niya sa babaeng sinasabi niya.
“WHAT? Si Gretta?! OMG. I can’t stand it anymore, magkakasakit ata ako!” hindi ko na kaya!
Bakit ba hanggang dito eh sinusundan ako niyang ing-Grettang yan! Well, si Gretta, ang worst enemy ko since first year highschool ako. Lumipat ako ng school the next school year kasi sinabi ko kay mama na kaya ako napaguidance ng dalawang beses ay dahil sa grettang iyan. Kaya nilipat niya ako ng school. Two years ko siyang hindi naging kaklase. At ngayong fourth year na ako, ayan siya. Sa may corner nakikipaglandian. Nakita ko siyang tumingin saakin. Tinignan ko din siya. Nagexcuse muna siya sa mga nilandi niyang mga lalaki. At pumunta saakin.
“Oh, Miss Rhian Perez, dito ka pala nagaaral. Are you a new student here? Ako kasi oo, kakalipat lang naming last month sa bagong bahay namin sa may subdivision malapit dito.” Whoah, are you talking to me ing-gretta?
“Oh, Miss Ing-Gretta, yes dito ako nagaaral and no I’m not a new student here. And so what if you’re a new student here who cares?” Pataray kong sinabi. Ang mga babae nagsitawanan sa narinig nila.
“Whatever” oh yeah! Pigilian niyo ako Stacy at Alex baka kung ano magawa ko dito sa ing-grettang to! Argh!
“Okay class, go back to your seats. I’m sorry if the class will only starts now. We have an emergency meeting about the election for the student body today. I’ll be your adviser and your subject teacher in English, Miss Razon.”
Sabi ni Miss ‘kuno’ ahaha. Hmm. Si Miss Razon, maganda, mabait at matangkad. Yun nga lang strikto kapag walang assignment or project. Hay remembering those nostalgic years. Haha. Sige Miss Rhian Perez, mag day dream ka lang dyan.
“By the way class, I want to introduce to you your new classmate for this school year, Miss Gretta Sanchez.” Habang tinuro si gretta na nakatayo naman na kaagad at kumaway kaway pa. feeling nitong babaitang to!
“Yanie, nasan sila Nick, Dave, Alec at Marc? Hindi ko pa sila nakikita.” Bulong ko kay yanie na katabi ko sa right side since ako ang nakaupo sa may kaduluduluhan at sa left ko ay ang wall. The great wall. Haha.
“Pinatawag sila ni Sister Principal. Important matters daw.” Sabi naman ni yanie na pabulong din.
*RRRIIINNNGGG!*
“okay class, take your lunch now.” Sabi ni Miss Razon.
“YEEESSS!” sigaw ko nung nakalabas na si Miss Razon.
“BABY RHIE!!!” sigaw naman ng nasa likod ko. Familiar yung boses niya. Lalaki. Si Dave.
“Pwede ba dave?! Wag mo nga akong matawag tawag na ‘baby rhie’!” sigaw ko din sakanya.
“tu naman. Parang yun lang eh.” Nako uupakan ko tong dave na to eh!
“unga pala, bakit kayo pinatawag ni Sister Principal? Ano ginawa niyo?” tanong ko sakanya.
“Wala naman.” Sabi ni Alec na nasa right side ko.
“Aaah…. Okay.” Yun lang ang nasabi ko.
“ahm. Hindi ba kayo kakain? O baka gusto niyo kainin ko kayo?” banta ni Alex. Tsk. Si alex talaga. Di pa nagbabago. Haha!.
“ay tara na nga! Gutom na rin ako! Tara!” sabi ni Stacy habang hinihila si Alex palabas ng door.
“Tara!” sigaw din nila yanie, dave, at alec. Napansin ko si nick. Na sobrang tahimik. Hindi nakikihalubilo sa mga boys. Sabagay, tahimik naman na siya nung nakilala ko siya nung Third year. Napansin ko na ako lang ang hindi niya kinakausap simula nung naging third year kami. Lahat sila eh kinakausap niya. Ano kaya problema nito?
“Hi there! Pwede ba akong sumabay sa lunch niyo?” okay. This isn’t happening! Kilala niyo siya. Gretta. Ang ing-gretta. Nakita ko siya hawak niya ang balikat ni nick. Si nick naman halatang naaasar kasi naman ayaw niya sa mga babaeng katulad ni gretta na FLIRT.Kaya padabog niyang tinanggal ang nakakadiring kamay ni gretta sa pagkakahawak sakanya. Ohkay. May pagkasuplado din pala tong si nick.
“ang suplado mo naman. Hmph! Well, I guess that’s a no.” sabi naman nitong babaitang to.
“bwahahahaha! Nakita mo yun pre?” hagakhak ni alex. Si alec ata kinakausap nito.
“ahahahah! Buti nga sayo! Bleh!” sabi naman ni yanie na nakalabas ang dila niya.
“tara na.” sabi naman nitong si nick.
“haha! Ohkay! Tara.” Agree naman ng iba.
“bye ing-Gretta!” sinabi ko sakanya gamit ang pangasar kong mukha.
Sa Canteen…..
“oh guys, mukhang ang saya niyo ah.” tanong ni marc.
“aba, oo naman! Kung nakita mo yung mukha ni ing-gretta. Haha matatawa ka talaga.” Kwento ni yanie.
“aahh..” yun lang ang nasabi nitong si marc. Out of place ata to. Wala kasi siya kanina nung nagyari yung scene nayun. Nasa library ata siya. Pinatawag ni Miss.
“Oo nga pala, May banda ba kayo?” singit ni dave.
“ahm, planning palang ngayon. Kasi nung summer nag summer class kasi kami. Since boring sa bahay.” Sagot ni Stacy.
“eh kayo?” tanong ko naman. Malamang meron.
“Meron! Kami ang, the DAMN! Whooh!” wow, dave? Ok ka lang?
“ano DAMN? Ano naman yun! Nung konekt?” tanong ni alex
“haha, well, D for dave, A for alec, M para sakin, at N, sympre sino pa ba? Eh di si NICK!!!” sagot ni Marc.. ano?! Sila?!
“eh sino ang singer niyo?” tanong ulit ni alex. Ako dapat magtatanong nun eh!
“si Nick sino pa ba?” sagot ni marc.
“ANOOO?!!!!” sabay sabay kaming mga babae.
“oh bakit ayaw niyong maniwala? Magaling namang kumanta yang si nick ah! palibhasa kasi di niyo pa naririnig kumanta.” Sagot ni dave
“kayo? May name na ba kayo?” tanong ni alec
“Siguro……….”
Labels: thug of war
PROLOUGE
“manong, malapit na po ba tayo?” tanong ko kay manong rick.
“opo mam, kayo po kasi late na kayong nagising” hay nako manong rick, sinisi niyo pa ako. Malay ko po ba na first day ng school ngayon. Hayy.
“manong, drop the ‘opo’ and ‘po’. At saka di ko naman po alam na first day ng school ngayon eh. Pasensya na po.”
First day of school! Late ako! Nako naman! Kinakabahan ako. Ewan ko, parang may masamang mangyayari. Sana mali ang prediction ko! Habang tinitignan ko ang malalaking building, nag vibrate ang cellphone ko. Sino kaya to?
>TEXT MESSAGE<
TO: Rhian
Rhie!, nsn ka n b? magsstrt na ang klse in 5 mins.!
From: Stacy
>end<
Nako, five minutes nalang! Sana umabot ako...
“manong rick, aabot po ba tayo sa school ng 5 minutes?” sana umabot.
“oo naman mam, liliko nalang tayo ayan na ang school nyo.” Sagot ni manong. Yes! Whooh! Aabot pa ako!
Labels: prolouge
Labels: the show